Financial security refers to the peace of mind you feel when you aren’t worried about your income being enough to cover your expenses. It also means that you have enough money saved to cover emergencies and your future financial goals.
Hindi sapat na nakapag tapos tayo ng pag aaral nakakuha ng maganda, stable na trabaho at sumasahod eh akala na natin okay na. kailangan natin paghandaan ang future hindi biro kitain ang pera kaya dapat malaman natin paano isecure ang pinaghirapan nating pera.
Sa blog na ito malalaman mo yung 5 steps na makakatulong sayo sa financial security mo.
INCREASE YOUR CASH FLOW
Get a job (make it sure na yung kukunin mong trabaho yung nag eenjoy ka at yung malapit lang sayo kasi kung malaki nga sahod mo tapos malayo ka sa work mo baka hindi ka din tumagal lalo na kung di kapa masaya sa ginagawa mo )
Add another source of income, like providing your services kung saan ka may talent or magaling (e.g massage therapy, haircut, tutorials, sing, dance, blog/vlog, eloading, manicure, pedicure kung may sarili kang sasakyan o motor mag grab, carpool, uber or angkas ka) Or offer your/others products like (e.g buy and sell online shoes, perfume, clothes, cosmetics, gadgets, affiliate program like lazada, ebay, amazon, car renting, referral bonus or health and wellness product)
ENSURE PROPER PROTECTION
Always protect your self and your money. Paano kung ikaw lang ung inaasahan ng family mo?
Knock 3x wag naman sana in the name of JESUS may nangyari sayo na di maganda naaksidente ka or kung kinuha kana ni Lord kawawa naman yung pamilya mo na maiiwan mo malungkot na nga sila sa pagkawala mo stressed pa sila lalo dahil mababaon sila sa utang kaya mas maganda kumuha ka ng life/health care insurance at the same time investment na din para kahit ano mangyari sayo may makukuha sila na makakatulong para magsimulang muli.
(e.g 100k accidentally insurance + 10k burial assistance etc.)
ELIMINATE DEBT
2 types of debt
Good debt
Okay lang naman na umutang but make it sure na may pambayad example umutang ka para mag buy and sell sympre doon tutubo ka so yung pera lalago paikot ikotin mo lang wag mong gagastusin pang personal mo o kaya naman uutang ka para maghanap ka ng trabaho so it depends.
Bad debt
Ay uso ang iphone ngaun kaso walang pambili uutang nalang kahit hindi naman talaga afford, live simple life. Uutang para sa pang personal na gamit kung hindi kaya tiis nalang wag makiuso kung di naman kaya “Maybe you look classy but in a reality you have no money” Matuto tayong bayaran yung utang natin sa araw na itinakda para magbayad kahit paunti unti maki usap ng maayos hindi yung ikaw na nga may utang ikaw pa galit. unahin mong bayaran ang may pinaka mataas na interest
Tandaan:
“Wag na wag mong sisirain ang pangalan mo dahil lang sa maliit na halaga” saka para maka ulit ka pa. Ang laki nga ng kinikita mo pero kung mas malaki utang mo wala din, mababaon ka lang sa interest kung feeling mo need mo ng bagong phone, gusto mo na magka motor or magka sarili mong kotse.
I highly suggest na pag ipunan nalang. Bilin mo ng cash kung di kaya ng brandnew atleast 2nd hand pero yung maayos pa kasi bumababa ang value ng mga yun.
CREATE EMERGENCY FUND
3-6months ng salary mo, para just in case mawalan ka ng trabaho masusurvive kapa din ng 3-6months. Para kung may magkasakit may pang bili agad ng gamot kung magkaroon naman
Typhoon, earthquake or repairs pang renovate ng bahay etc may mapagkukuhaan ka.
Example 12,000 x 6 months = 72k yan ung exact amount na kaya mo masustain ung life style mo kahit wala kang source of income. Di ko sinabing isang biglaan. For example per cut off magtabi ka ng 1,000-2,000 depende sayo hanggang sa ma reach muna ung 72k emergency fund mo.
INVEST ON STOCK MARKET
(not trading kasi sa trading 80% ng investor ay nalulugi dahil high risk talaga okay lang naman maging risky pero learn how to manage the risk)
Wag na wag kang mag iinvest hanggat wala ka pang emergency fund kasi baka pag may hindi inaasahang mangyari I am sure ipupull out mo yung investment mo kasi wala kang mapagkukunan.
WHY STOCK MARKET?
Simple lang mas malaki yung chance na yung pera mo ay mas mag grow dahil sa compounding interest kumpara sa mga bangko imbis na tumubo ung pera mo sa bangko mas lalo lang mababawasan yun dahil sa inflation rate ang inflation ay ang pagtaas ng mga bilihin sa bansa natin nasa 4% ang inflation
(Example: may pera kang 100,000 sa bangko iniwan mo lang dun after 1year
Ganito ang computation dun
100k x.04 = 4000
So kung ang pera mo ay 100k
Magiging 96k nalang dahil sa inflation rate
SAAN NAMAN MAGANDA MAG INVEST
Mutual funds for beginner, UITF’s, bonds etc.
MANAGE YOUR EXPENSES
Useless lahat ng pinagpapaguran mo kung lahat ng yun napupunta lang sa expenses mo it’s okay to treat yourself as a reward pero wag naman ubos biyaya bago ka bumili ask yourself needs ba to or wants.
“Mas maganda na pinaghahandaan ang mga bagay na hindi inaasahan”
-Mj nanquil
“Most people don’t plan to fail, they fail to plan”
– J.J. Beckley